let me take you on the ride of your life
un:
*poof*

Nanananana. Welcome to Unipops and Lollicorns!!.
I'm Farzy and this is my secret place. This is where I go when my imagination is on its highest level. This is also the place where I post random things that inspires me to write something, so yeah this blog is like a writer's journal.
Yeah, I'm a frustrated writer, I write when I have something to say that I can't say to other people because I am afraid they'll judge me too quickly or if I really feel like writing something. I know I am not good at it but I am certainly trying my hardest to be a good writer.
You might be wondering why my URL is Unipops-and-Lollicorns. Well, it is because I was inspired by THIS video.
My stories are written in tagalog, well not all but most of them are (because I want to be a Tagalog romance writer).
So yeah, I thinks that's all you need to know right now. :) You are always welcome to read this blog.

*P.S.* Plagiarism is a crime, dude.
This work is licensed under Creative Commons.

Disclaimer: All stories here a just a product of the author's not so good imagination. :)

deux:





trois:
When You Stole My Heart Prologue Tuesday, May 18, 2010 9:34 AM
Note before you proceed in reading: This is just a rough draft. Meron lang kasing random na idea ang pumasok sa isip ko so I have to write it down so that I won't forget it. So yeah, expect mo na na magulo pa ito.

The title isn`t final yet =))

***

Pambirang buhay naman ito o, bakit ba kasi kailangan pa naming mag-practice ng ganoon katagal ayan tuloy gabi na ako nakauwi. Malas din dahil ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon sa daan. Ang dilim pa naman dito, paano na lang kaya kung may mga masasamang loob na andito? Naku, patay ako.

Mahaba pa ang lalakarin ko papunta sa terminal ng taxi tapos wala pang mga poste ng ilaw dito. Naisipan kong mag-taxi na lang para mas madali akong makarating sa bahay kasi late na din. Kanina noong umalis ako sa school 9:30 na e, kaya probably ngayon mga quarter to 10:00 PM na.

Napansin kio lang, parang may sumusunod sa akin sa likuran. Ayaw ko namang lingunin kasi baka kung ano ang makita ko kaya binilisan ko na lang ang paglalakad ko.

"Miss."

Napaigtad ako dahil biglang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko may lalaki na nasa likod ko, hindi ko maaninag ang mukha dahil nakasuot siya ng cap at saka madilim ang lugar. Napansin ko din na may tattoo sa likod ng kanang kamay niya. 'Adelphos' ang nakasulat doon. Siguro iyon ang pangalan niya.

Tapos bigla niya akong inakbayan tapos may naramdaman akong matulis na bagay sa gilid ko. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko na din napigilang mapaiyak dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin at hindi ko din alam kung ano ang gagawin ng lalaking ito sa akin. Sana may ibang tao dito sa kalsada para makahingi ako ng tulong.

"Si...sino ka?"

It took me a lot of courage para magsalita. Nahihirapan na rin akong huminga dahil kanina pa ako humihikbi at saka dahil na din sa kaba.

"Magpatuloy ka sa paglalakad. Wag kang papalag o sisigaw kundi lagot ka. Ngayon ibigay mo sa akin ang mga gamit mo."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at ibinigay ko na sa kanya ang bag ko.

"Mabuti. Ngayon magpatuloy ka lang sa paglalakad at tandaan mo wag kang sisgaw."

Nakaakbay pa rin siya sa akin pero naramdaman kong wala na yung matulis na bagay sa gilid ko. Pero kahit na, hindi pa rin ligtas na manlaban ako sa kanya.

Naglakad kami nang naglakad hanggang makarating kami sa terminal ng taxi. May ibang mga tao na nakakita sa amin. Pero hindi lang nila kami pinansin. Siguro iniisip lang nila na mag-boyfriend kami na may alitan kaya ako umiiyak, kung alam lang sana nila na holdaper itong lalaking ito.

Lumapit siya sa isang taxi driver at may pinag-uusapan yata sila. Ako naman gusto ko sanang tumakbo pero dahil sa sobrang takot hindi ko na nagawa. Tapos nilapitan niya ako.

"Halika, sumakay ka na doon sa loob ng taxi."

Sumunod naman ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pagpasok ko sa loob ng taxi narinig ko ang sinabi niya sa driver.

"Manong, ihatid nyo po siya kung saan po niya gusto. Ito po yung bayad, ako na lang po ang magbabayad para sa kanya."

Tapos binuksan niya ang pintuan sa back passenger seat tapos umupo siya sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinalikan sa cheeks. Pagkatapos noon ay nag-wink pa siya sa akin. Pero hindi ko pa rin naaninag ang mukha niya dahil naka-cap pa rin siya pero sigurado akong nag-win sya sa akin. After that lumabas na siya ng taxi.

Gulat na gulat ako kaya hindi ako nakapag-react agad.

"Hija, bakit ka umiiyak? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo? Saan mo gustong pumunta at ihahaid kita."

Gusto ko sanang sabihan ang driver na hindi ko boyfriend yung lalaking iyon at saka holdaper iyon pero dahil sa sobrang takot ko hindi ko na nagawa. Instead, sinabi ko na lang sa driver ang address ko para makauwi na ako. Ayoko ng manatili sa lugar na ito at gusto ko na talagang umuwi.