Okay, like what the title said, this is just a rough draft. I still have to finalize this tomorrow :)
***
"Omegawd! Really!? Gosh! Anong sinabi mo?"
"Sabi ko okay, pero ligaw pa lang iyon ah. hindi pa talaga kami."
"Gosh ang haba ng hair mo!"
Pagdating ko sa bahay from the mall with Ate Brielle nilapitan agad ako ni Laurice kasi may importante daw siyang sasabihin sa akin. At ito na nga iyon, sinabi na niya sa akin na nanliligaw na sa kanya si Chester. Grabe itong babaeng ito, ang haba talaga ng hair. Umalis lang ako sandali para pumunta sa mall pagdating ko may manliligaw na kaya hindi na ako magugulat pag nagbakasyon ako sa ibang bansa tapos pagbalik ko may asawa`t anak na itong babaeng ito.
"Sshh. Wag ka ngang maingay baka may makarinig sa atin. Remember, nasa kabilang kwarto lang ang mga boys."
"Oops. Sorry. So ano na?"
"Anong ano na?"
"Ano na ang balak mo?"
"Edi magpapaligaw. Duh!"
I just rolled my eyes, I know magpapaligaw siya but what I mean was.. oh nothing just forget it!
***
I dunno kung ano ang nakain ng mga tao dito at naisipan nilang mag-inuman. Nasa living room kaming lahat ngayon, katatapos lang namin mag-dinner at kumukuha na si Kuya Cyp ng bote ng alak sa fridge. Mag-iinuman daw kami. Hula ko nagpapa-blowout lang itong mga mokong na ito dahil finally nakapagtapat na si Chester kay Laurice. ::)
Guys lang ang iinom.... and girls. :| Ayoko sana pero mapilit sila e kaya sige iinom ako pero konti lang.
"O ayan na pala si Cyprian e, teka asan na ba si Mike bakit ang tagal niya?"
Grabe naman itong si Kuya Joe ang excited nang uminom. Oo nga ang tagal ni Mike, umakyat muna kasi siya sa taas tapos pinatulog na niya si Phoenix, alangan naman isama namin siya dito. :D
Moments later bumaba na rin si Mike at nagsimula na silang mag-inuman. Kami amang girls andoon din sa living room pero we decided na manuod na lang ng dvd. Nagpasya kaming Mean Girls ang papanuorin namin. It's our all time favorite movie kasi. ::) and the boys don`t seem to mind na nanunuod kami ng chick flick. Busy sila sa tagayan.
"Girls hindi ba kayo iinom?"
Si Mike ang nagsalita, may hawak siyang kalahating baso ng beer sa kamay niya.
"Ayokong uminom, ayoko sa lasa ng beer."
Sabi ni Ate Nizzle. Yeah I remember, dati nung first time na uminom ng beer si Ate Nizzle hindi maipinta ang mukha niya kasi ang sama daw talaga ng lasa ;D
Tapos ni-nudge ako ni Nizzle tapos tinanong niya ako kung gusto ko ba daw uminom tapos sabi ko oo, haha. Gusto ko lang tikman ;D
Kinuha ko ang kalahating baso ng beer sa kamay ni Mike at nilagok ko kaagad kasi sabi nila hindi mo daw malalasahan ang pait ng beer pag nilagok mo agad. ;D
"Gusto mo pa?"
"Ayoko na `noh, ang sama kaya ng lasa."
"E bakit ang daling naubos. Akala ko nga uubusan mo na kami."
Binigay ko na kay Mike ang baso tapos nag-focus na ulit ako sa panunuod ng t.v.
Natapos na din namin ang Mean Girls at sunod naman naming pinanuod ang White Chicks. Sabi kasi ni Laurice paborito niya ang movie na iyon e.
Before nagsimula ang White Chicks lumipat ako sa sofa, kanina kasi naka-squat lang ako sa floor. Sumasakit na kasi ang likod ko, gusto kong isandal ang likod ko sa sofa. Tumabi ako kay Mike kasi yung sa side na lang niya ang vacant space e. Tapos pati din sina Laurice, Ate Brielle at Ate Nizzle umupo din sa sofa. Magkatabi sina Ate Brielle at Ate Nizzle at katabi ni Laurice si Chester. Ehem, itona dalawang ito M.U. :D
Nagsimula na ang movie tapos kami naman tawa nang tawa pati ang boys tawa din nang tawa.
Hindi pa man nangangalahati ang isang case ng beer meron na agad bumigay. Sina Mike at Kuya Cyp mukhang lasing na yata :D Kasi kanina pa nagsasalita tungkol sa mga pokemon si Kuya Cyp e, lasang pikachu daw ang beer. Noong sinabi niya yun lahat talaga kami natawa, tapos sinasakyan pa siya ng ibang boys ;D
Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Mike. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Mike wag ka ngang bigla-bigla na lang nang-aakbay, nakaka--."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan. On. The. Lips. It was just a short kiss, like smack lang but still sa lips pa rin yun e! It was my first kiss!!!!!
When our lips parted hindi agad ako makapag-react. And when I realized what just happened I squeezed my eyes shut hoping that was just a dream. Pero pag mulat ko sa mga mata ko andoon pa rin si Mike and he was grinning like crazy, parang naka-jackpot siya sa lotto! :o :o So it wasn`t just a dream, it was real!
"Woohoooo!!!! Nice one Mike!!"
Taena naman itong mga taong ito kinantiyawan pa kami >:(
I could no longer take the the embarassment kaya tinulak ko si Mike tapos tumayo ako then I bolted to my room. I swear, kung nakamamatay ang embarassment namatay na ako kanina pa. Pagdating ko sa room ko I slammed the door tapos pumunta ako sa bed ko then I wrapped myself in a blanket then I closed my eyes tight, convincing myself it didn`t happen. Tapos after a moment nakarinig ako ng knock sa door.
"Mae, si Laurice ito, open the door let`s talk about what happened."
Hindi ko na sinagot si Laurice at wala na akong balak na lumabas sa kwartong ito ever! Hindi ko sila kayang harapin, after what just happened. :-[ Dito na ako magkukulong forever!