let me take you on the ride of your life
un:
*poof*

Nanananana. Welcome to Unipops and Lollicorns!!.
I'm Farzy and this is my secret place. This is where I go when my imagination is on its highest level. This is also the place where I post random things that inspires me to write something, so yeah this blog is like a writer's journal.
Yeah, I'm a frustrated writer, I write when I have something to say that I can't say to other people because I am afraid they'll judge me too quickly or if I really feel like writing something. I know I am not good at it but I am certainly trying my hardest to be a good writer.
You might be wondering why my URL is Unipops-and-Lollicorns. Well, it is because I was inspired by THIS video.
My stories are written in tagalog, well not all but most of them are (because I want to be a Tagalog romance writer).
So yeah, I thinks that's all you need to know right now. :) You are always welcome to read this blog.

*P.S.* Plagiarism is a crime, dude.
This work is licensed under Creative Commons.

Disclaimer: All stories here a just a product of the author's not so good imagination. :)

deux:





trois:
Race to Love Chap 1. Monday, May 17, 2010 11:28 PM
“Brielle… Brielle!”

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang tawagin ako ni Monique.

“Ha?”

“Ano ka na kanina ka pa nakatulala diyan ah. Ano bang nangyayari sa`yo?”

“Ha? Ahm.. wala lang ito, inaantok na siguro ako kaya ako ganito. Umuwi na kaya tayo?”

“Sige.”

Pupuntas na sana kami sa sasakyan naming nang biglang tumawag sa amin.

“Monique! Brielle!”

Paglingon namin ni Monique nakita naming papalapit sa direksyon namin si Drake. Si Drake ang isa sa mga race organizers dito sa Underground.

Yes, ang name ng team namin ay Underground. Actually Redsuns Underground talaga pero mas known kami sa racing world as Underground. And yes, we are street racers here, and by street races we mean, illegal racers. Nagkakarera kami sa daan tuwing hatinggabi. Pero once a week lang kaming nagkikita-kita. Every Friday ang schedule ng races namin. Minsan din `pag Saturdays nagkikita din kami, pero during Saturdays ay hindi kami sa street nagkikita. Doon kami sa Ground X nagkikita-kita.Isa iyong napakalaking garage ng mga kotse. Sa pagkakaalam ko may 85 na kotse ang andoon nilalagay ng mga may-ari nila pag hindi ginagamit, so yeah you could imagine kung gaano kalaki ang lugar. Doon ang venue pag may party kami. Hindi kami pwedeng pumunta sa bars dahil baka matunugan kami ng mga pulis kasi nga bawal di ba.

Ngayong gabi andito kami sa Zone 2, dito kami nagkakarera. Pero ngayong gabi hindi ako ang nakikipagkarera. Andito lang kami ni Monique para panoorin ang laban ng makakatunggali ko sa susunod na linggo.

“Aalis na kayo? Wag muna may kasiyahan pa dito o.”

Oo nga may kasiyahan, kahit na madilim ang kalsada naiilawan naman ito ng mgaheadlight ng mga sasakyan at saka ang lakas din ng kabog ng mga speakers sa mga sasakyan. May ibang nagsasayawan, ang iba naman nagmi-make out kaya nga ayoko sa mga ganitong lugar e, ayokong makakita ng mga ganoong scenarios.

“Sorry Drake pero kailangan na talaga naming umuwi e, inaantok na kasi ako.”

“Okay, sige I understand. Sige ingat kayong dalawa ni Monique sa pag-uwi ah. Bye!”

He waved his hands to u tapos ngumiti pa siya. Grabe, nakakaloka ang chinito eyes niya pero wag ka, kahit mukhang inosente at baby face itong si Drake e matinik yan sa babae.

“Bye Drake! Thanks ulit sa paanyaya ah. Enjoy the party.”

“Thanks. Kayo din ingat sa pag-uwi.”

He winked at Monique tapos bumalik na siya sa mga katropa niya sa party. Si Monique naman halatang kinilig doon kasi nagb-blush pa.



*****************



It`s Monday again and guess what…. classes na naman!
Kasisimula pa lang ng umaga ko bad mood na agad ako. E paano ba namang hindi ako maba-bad mood e hindi tumunog ang alarm ko. Dapat 6:00 ako gigising pero hindi tumunog ang alarm dahil mali ang pag set ko sa alarm clock. Six PM instead of six AM. Ang tanga ko lang `no?
Hindi na ako nagbreakfast at sumakay na agad ako sa sasakyan ko tapos humarurot na agad papuntang school.

Hingal na hingal na ako kasi kanina pa ako umaakyat sa hagdan. E paano ba naman kasi nasa 5th floor ang classroom namin. Shiz! Tapos ang bigat pa ng bag ko dahil sa dami ng books na dala ko. Ang iba pa sa books ko e hawak-hawak ko pa dahil mamaya bago ako pumunta sa classroom e dadaan muna ako sa locker`s area at ilalagay ko sa locker ko itong iba sa mga books ko.
Mahaba ang bangs ko kaya minsan natatakpan nito ang mata ko, at isa na nga ito sa mga times na iyon. Hindi ko naman ma-tuck sa ears ko ang bangs ko dahil nakahawak ang dalawang kamay ko sa mga librong dala ko. Wala akong ibang choice kundi hayaan muna itong bangs ko, kaya ito naglalakad ako ng nakayuko kasi makati sa mata ang buhok ko.

*BLAG*

“Aray!”

Nagulat na lang ako nang biglang may bumangga sa akin na kasing tigas ng pader. Ano ba, bakit may pader sa gitna ng hallway? Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko nabitawan ko ang mga dala kong libro at natumba pa ako.

“Sorry miss, okay ka lang?”

Pagtingin ko sa nakabangga ko nagulat ako. ZOMG! Ang gwapo. Moreno, matangkad at saka ang asul ng mata.

Tinulungan niya ako sa pagtayo pero after tong makatayo tinulak ko siya.

“Ano ba? Bulag ka ba? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo e.”

Kinuha ko na sa sahig ang mga libro ko, tinulungan niya ako pero inirapan ko lang siya.

“Uhm, Miss alam mo ba kung nasaan ang Admissions Office?”

Kapansin-pansin ang accent niya. Parang hindi siya sanay magtagalog.

“Nasa second floor. Room 206.”

Tapos inirapan ko ulit siya.

“Thank you Miss! Hulog ka ng langit. Sige mauuna na ako a, mali-late na ako. Sorry ulit.”

Ikaw naman hulog ng impiyerno sa akin! Gusto ko pa sanang idagdag pero wag na lang.
After niya yung sabihin ngumiti pa sya, grabe ang cute niyang ngumiti tapos ang ganda talaga ng blue eyes niya. Pero akala naman niya madadaan niya ako sa pa-cute style niya.

Nung nakalayu-layo na siya saka ko lang naalala na nagmamadali pala ako. Hindi ko na lang iniwan sa locker ang iba ko pang libro pumasok agad ako sa classroom namin pero late pa rin ako. Kasalanan ito lahat ng lalaking iyon. Hulog talaga siya ng impiyerno sa akin.

Labels: ,