*poof*
Race to Love Navigation

Kamusta ka na? Uy, ano na ang ginagawa mo diyan sa Canada? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Pilipinas? Gusto sana kitang makita ulit ng personal e, kasi naman hindi ako nakapagpaalam sa iyo ng maayos. Hindi ka man lang nagsabi sa akin na pupunta ka na pala ng Canada.
Alam mo, miss na kita. Sobrang miss na miss na kita. E paano ba naman kasi ikaw lang ang boy friend ko di ba? Ikaw ang pinaka-unang nakakaalam ng secrets ko especially about sa mga crush ko. I remembered pa nga noong sinabi ko sa iyo na crush ko si D tapos ever since then palagi mo na akong tinatakot na sasabihin mo sa kanyang crush ko siya. Pero thank you kasi kahit na palagi mo akong tinatakot na sasabihin mo sa kanya na crush ko siya e hindi mo pa rin sinabi. Thank you dahil hindi mo ako binuking sa kanya.
But guess what, I'm so over him na, yeah I know kung nandito ka sa Pilipinas ngayon sasabihin mong "Owz? Ikaw? Wala nang crush sa kanya? Weh?" Pero totoo naman e, wala na talaga, as in it's oveeerrr na talaga. Siguro kung mababalitaan kong may iba na siyang crush or worse, girlfriend ngayon, magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako magseselos pero that doesn't mean naman na may crush pa rin ako sa kanya. Siguro natural lang naman na makakaramdam ako ng konting selos kasi nga di ba naging crush ko din siya minsan pero ang selos na yun, wala yun. Konting selos lang yun, konting konti lang.
Ikaw, kamusta naman ang lovelife mo? Ehem, baka naman may girlfriend ka na diyan ah hindi mo lang sinasabi sa akin. Haha. gusto ko sana kung may girlfriend ka na ako yung unang makakaalam. Pero imposible yun kasi hindi nga tayo halos nag-uusap di ba? Sa fb lang kita nakakausap at saka wala tayong cellphone number ng isa't isa. Pero gusto kong sabihin sa iyo na in case na gusto mo akong tawagan, same lang ang number ko dati at hindi ako nagpalit. In case lang naman na gusto mo ng kausap.
Miss na kita, pero ano ba ang magagawa ko, andiyan ka, nandito ako. Ang layo natin sa isa't isa. Hindi lang sa pisikal na distansiya pati rin sa emosyon di ba? Kasi alam ko naman na ang walang pinagkaiba ang tingin mo sa akin at sa iba pa nating classmates di ba? Friend lang. Kaibigan.
Pero alam mo, ok na sa akin na ganito tayo, na magkaibigan lang. At least hindi malayo ang loob natin sa isa't isa.
Basta mag-ingat ka diyan sa Canada ah, wag kang magpapabaya sa sarili mo. Okay till next time, M. Bye matutulog na ako kasi maaga pa akong gigising bukas.
Your friend who secretly wishes you were here,
F.