*poof*
Race to Love Navigation


Ilang araw na rin akong hindi nagsusulat dito sa blog na ito. Ewan ko ba kung ano ang nagyayari sa akin. Meron namang idea na pumapasok sa isip ko pero hindi ko alam bakit hindi ko maisulat. Nahihirapan na din ako sa sitwasyon ko dito sa bahay pero wag na lang natin yang pag-usapan hindi ako komportable e.
Ilang araw ko na ring gustong magsulat ng story pero hindi ko magawa. Naiinis na nga ako sa sarili ko e. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito, may idea naman sa loob ng utak ko pero bakit hindi ko siya maipalabas? HOMIGAWD! Parang nagkawatak-watak na ang utak ko ngayon :|
Writer's Block? I think not. Kasi ngayon nga may naiisip na naman akong new story pero ang problema ko lang ay hindi ko siya maisulat. Parang may takip yung bibig ko. Bakit ba kasi ako nagkakaganito e. Nakakainis. Pero try ko talagang makapagsulat ngayon.
Hihinto muna ako sa pagbabasa ng ebooks at magfo-focus muna ako dito sa pagsusulat. Ewan ko ba. kahit naman hindi masyadong magaganda ang mga kwento ko gusto ko pa ring ipagpatuloy. Siguro dahil yun talaga ang gusto ko-- ang magsulat. Alam ko ngayon hindi pa ganoon kaganda ang mga kwento ko pero eventually magi-improve din ako. Optimistic much? Yeah ganun talaga ako :) Go lang nang go! If someone will bash me, I'll take that as a compliment. Kasi, s/he won't bash me naman if s/he doesn't find my story kapansin-pansin. HAHA!
Basta, dapat ngayon makapagsulat na ako :) Siguro I'll start with a Linkin Park Songfic. Dati ko na kasi talagang gustong gumawa ng Linkin Park songfic e :) Goodluck to me! AJA! :)